Ilan pang lugar sa bansa, ramdam na rin ang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19

Nakitaan na rin ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang lahat ng island groups ng Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang trend ng kaso sa ibang rehiyon ay kapareho ng Metro Manila.

Pero hindi pa aniya nila masabi kung dahil ito sa Omicron variant.


Sa datos ng DOH, 62.56 porsiyento ang critical care utilization rate ng Bicol Region habang nasa 59.42 porsiyento ang antas sa Cagayan Valley na pawang moderate risk.

Nasa 10 porsiyento naman ang severe na kaso habang apat na porsiyento ang critical cases sa kabuuan at 75 porsiyento ng mga kaso ay maituturing na mild o moderate.

Lumalabas din na Omicron variant na ang predominant sa Metro Manila kung saan 97 porsiyento ng mga sample na nai-sequence noong ika-2 linggo ng Enero ay nakumpirmang Omicron variant.

Facebook Comments