Aprubado na ng National Economic and Development Authority o NEDA Board, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga malalaking proyekto na nagkakahalaga P270 bilyon.
Sa press briefing sa Malacañang, NEDA Sec. Arsenio Balisacan ang mga malalaking proyektong ito ay ang Dialysis Center Public-Private Partnership (PPP) Project para sa Renal Center Facility ng Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC).
Layunin aniya ng hakbang na palawakin ang dialysis unit ng nasabing pagamutan sa pamamagitan ng karagdagang 108 Hemodialysis (HD) machines, palakasin ang serbisyo sa hemodialisys treatments at para mabawasan ang gastos ng mga pasyente.
Kabilang din sa tinalakay ang upgrade, expansion, operations and maintenance ng Bohol-Panglao International Airport.
Ito ay para suportahan ang pagbangon mula sa pandemya at isulong ang bagong konsepto ng ‘Green’ and ‘Connected’ airports.
Sinabi pa ng kalihim, napag-usapan din sa NEDA Board meeting ang Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) Project at ang Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Project.