Ilan pang mga bulkan sa bansa, mahigpit na mino-monitor ng PHIVOLCS

Tinututukan din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ilan pang mga bulkan sa bansa.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, isa sa mga binabantayan nila ay ang Kanlaon Volcano sa Negros Island na nasa Alert Level 1.

Wala pa naman aniyang nakikitang aktibidad sa naturang bulkan subalit maaari itong magkaroon ng biglaang pagsabog tulad ng nangyari sa Mt. Bulusan.


Matatandaang itinaas ng PHIVOLCS sa Alert level 1 ang Mt. Bulusan matapos makapagtala ng phreatic eruption na tumagal ng 17 minuto noong Linggo ng umaga.

Samantala, tinututukan din ang PHIVOLCS sa Taal Volcano dahil nasa ibabaw na ang magma nito.

Sa ngayon ay wala namang nakitang iba pang aktibidad ng Bulkang Taal ngunit posibleng maglabas ito ng gas na maaring magdulot ng mga pagsabog.

Facebook Comments