Ilan pang mga korte sa bansa, pansamantalang sarado para sa disinfection kontra COVID-19

Naglabas muli ng abiso ang Korte Suprema sa pansamantalang pagsasara ng ilang korte sa bansa dahil sa gagawing disinfection o kaya ay paghihintay ng resulta ng mga kawani nilang sumailalim sa COVID-19 testing.

Sa abiso, sarado ang Baguio City RTC Branch 60 hanggang April 9, 2021.

Sarado rin ang Baler, Aurora Office of OCC-RTC hanggang April 8, 2021, gayundin ang Palompon, Leyte RTC Branch 17 hanggang March 31.


Ang Santiago City, Isabela RTC Branch 35 ay sarado naman hanggang April 7, 2021.

Ang Calamba City, Laguna RTC Branch 92 ay sarado rin hanggang April 8, 2021.

Habang ang Cauayan City, Isabela RTC Branch 40 ay sarado rin hanggang April 7, 2021.

At ang Hall of Justice ng Panabo City, Davao del Norte, simula naman sa March 29 at March 30, 2021 para sa disinfection.

Muli naman pinapayuhan ang publiko na may transaksyon sa nasabing korte na makipag-ugnayan na lamang muna sa official hotline numbers at email addresses ng mga nabanggit na korte na makikita sa pamamagitan ng pagbisita sa official website ng Korte Suprema sa sc.judiciary.gov.ph/courts-status

Facebook Comments