
Bumuhos pa ang paghahayag ng pakikiramay ng mga senador sa pagpanaw ng dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, nagpapasalamat siya na magkaroon ng oportunidad na matuto kay Enrile noong Senate President ito habang siya naman ang Majority leader din noong 14th Congress.
Dahil sa gabay ni Enrile sa kanya at sa iba pang senador ay mabilis siyang umunlad at natuto sa mga malalaking papel na ginampanan tulad ng pagmamando sa plenaryo at pagtataguyod sa rules ng Senado.
Sinabi naman ni Senator Chiz Escudero na sa kapulungan, si Enrile ay isang ama na nagtatanim sa kanila ng kahalagahan ng disiplina at pagseserbisyo.
Noong naging Senate President aniya siya ay ipinagmalaki niya na nasponsoran niya ang resolusyon na nagbibigay pagkilala sa napakahaba at katangi-tanging serbisyo ni JPE.
Hindi naman malilimutan ni Senator Sherwin Gatchalian na naging generous o mapagbigay sa kanila si “Manong Johhny” sa pagbabahagi ng karunungan sa mga batang mambabatas magkaiba man ang kanilang political affiliation.









