Back to work na muli ang ilang mga nagsiuwian sa Dagupan City ngunit may iba pa rin na sinulit ang last hour ng long weekend at nitong lunes ng umaga na lamang bumyahe.
Maayos at hindi naman nagsiksikan ang mga byahero sa mga bus terminal sa Dagupan City kahapon ng umaga ngunit may mga nagsidatingan pa rin na magsibalikan na matapos ang long weekend.
Naranasan ang dagsa ng mga byahero bandang madaling araw dahil sa mas prefer umano itong oras ng mga biyahero pabalik sa kaniya kaniya nilang destinasyon ng mas maaga.
Habang ang mga bumyahe naman ng umaga na ay sinamantala umano ang pagkakataon at sinagad ang oras ng long holidays.
Ayon naman sa ilang mga bus companies, paniguradong sa buwan ng Disyembre ay maaasahan ng mga ito ang dagsa ng byahero para naman sa selebrasyon ng kapaskuhan at salubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments