MANILA – Ilang opisyal ng pamahalaan ang tetestigo laban kay Sen. Leila De Lima sa pagdinig ng House Committee on Justice sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (nbp).Sa isang interview, sinabi ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre na bukod pa ito sa labing dalawang (12) high profile inmates sa bilibid na tetestigo sa talamak na bentahan ng droga sa kulungan noong kalihim pa ng DOJ si de Lima.Ayon kay Aguirre, isang top-ranking official din ng pamahalaan ang nakahandang tumestigo laban sa senadora.Haharap din anya ang PNP-Special Action Force sa pagdinig kung saan ipakikita ang pagkakaiba ng bilibid simula nang hawakan ito ng SAF noong July 20.Tumanggi muna ang kalihim na pangalanan ang panibagong adisyon sa mga tatayong testigo laban kay de Lima, bukas (araw ng Martes) sa pagsisimula ng nasabing imbestigasyon.
Ilan Pang Opisyal Ng Pamahalaan, Tetestigo Laban Kay Senador Leila De Lima Sa Pagdinig Ng Kamara
Facebook Comments