Ilan pang probinsya sa bansa, posibleng napasok na ng Omicron variant

84

Posibleng napasok na rin ng mas nakakahawang Omicron variant ang ilan pang probinsya sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nagtataasan na rin ang kaso ng COVID-19 sa Cebu, Davao, Benguet at Pangasinan.

Sa ngayon, hindi pa masabi ni David kung kailan maaabot ng bansa ang peak ng COVID-19 dahil sa limitadong datos.


Pero tingin niya, maaabot na ng National Capital Region (NCR) ang peak sa susunod na linggo.

Mula kasi sa 6.16 na reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa NCR noong Enero 2 ay bumaba na ito sa 4.69 noong Enero 8.

Facebook Comments