Ilan Pang Pulitiko, Isinangkot Ni Pangulong Duterte Sa Ilegal Na Droga

17

MANILA – Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan pang pulitikong sangkot umano sa ilegal na droga.Sa kanyang speech sa Malakanyang – sinabi ng pangulo na kabilang sa kanyang tinatawag na “narcolist” sina dating Iligan City Congressman Vicente Belmonte Jr., dating Iligan City Mayor Lorenz Cruz at isang mayor Willie Lim.Kasabay nito, muli ding inupakan ng pangulo si Senador Leila De Lima.Nauna nang itinaggi nina Belmonte at Cruz na sangkot sila sa ilegal na droga at iginiit na handa silang humarap sa anumang imbestigasyon para malinis ang kanilang pangalan.Bukod ditto, aalamin din nila kung sino ang nagbigay ng report kay Pangulong Duterte para masampahan ng kaso dahil sa pagdawit sa kanila sa ilegal na droga.

Facebook Comments