Ilan pang rehiyon sa bansa, dapat tutukan dahil sa mababang vaccination rate

Kinakailangan pang mag doble kayod ng pamahalaan para maitaas ang vaccination coverage sa ilang lugar sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center Chairperson (NVOCC) at Health Usec. Myrna Cabotaje na kabilang dito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na 25% pa lamang ang target population ang fully vaccinated, kasama rin ang Region 12 na nasa 54%, Central Visayas at Region 7.

Ayon kay Cabotaje, mataas parin ang vaccine hesistancy sa mga nabanggit na rehiyon.


Kaya ilalapit na mismo ng gobyerno ang bakuna sa mga residente sa pamamagitan ng pagbabahay bahay.

Samantala, mataas naman ang vaccination rate sa NCR, Region I, Region II, Cordillera, Region III, Region IV-A at Western Visayas.

Una nang sinabi ng National Task Force (NTF) na muli silang magkakasa ng Bayanihan, Bakunahan part 4 ngayong Marso.

Facebook Comments