Ilan pang sako, natagpuan ngayong unang araw ng search and retrieval operations sa Taal Lake

Ilan pang mga sako ang nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard(PCG) sa Taal Lake sa Batangas.

Ito ay matapos umarangkada ngayong araw ang search and retrieval operations sa mga bangkay ng mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa lawa ilang taon na ang nakalipas.

Pero sa ngayon wala pang pahayag ang Philippine Coast Guard kung ilan ang bagong nakitang mga sako na hinihinalang naglalaman ng mga kalansay ng tao.

Kahapon, nadiskubre rin ang sako na may laman na hinihinalang buto ng tao pero sasailalim pa ito sa forensic examination ayon na rin sa Department of Justice (DOJ).

Samantala, mamayang alas-2:00 ng hapon magsasagawa ng press briefing si Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng Coast Guard District Southern Tagalog kaugnay sa resulta ng unang araw ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments