Ilan pang senador, ban sa POGO rin ang nais marinig sa SONA ng pangulo sa Lunes

Ilan pang senador ang nagpahayag na ianunsyo na sana ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 22 ang tungkol sa pag-ban ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, dapat na ianunsyo na ng pangulo sa kaniyang SONA ang total ban sa mga POGO.


Aniya, mismong ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagsasabi na rin na dapat i-ban na ang mga POGO dahil nalulugi na ang gobyerno ng ₱99 billion bukod pa sa nakakasira na ito sa imahe ng bansa.

Maging ang ilang ahensya tulad ng Philippine National Police (PNP), National Security Council (NSC) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay itinutulak na rin ang pagpapalayas ng mga POGO dagdag pa rito ang mga business groups na nagpahayag na rin ng pagtutol sa mga POGO.

Katunayan aniya, sa pinakahuling tourism index, panglima ang Pilipinas sa pinakadelikadong bansa sa buong mundo at ito ay epekto ng mga krimen na nangyayari sa ating bansa.

Facebook Comments