
Kinumpirma ni Senator Erwin Tulfo na si Senate President Chiz Escudero ang kanyang susuportahan sa pagka-Senate President sa 20th Congress.
Ayon kay Sen. Erwin, kung sino ang susuportahan ng mayorya sa pagka-Senate President ay doon sila ng kanyang kapatid na si Senator Raffy Tulfo.
Sinabi pa ng mambabatas na posibleng kasama siya sa 13 senador na susuporta kay Escudero na unang sinabi ni Senator Joel Villanueva.
Paliwanag ni Tulfo, kaya sa majority sila sasama ay dahil madalas ito ang tumutulong sa mga iniuutos o nais na mga ipasang panukala ng administrasyon.
At dahil kabilang siya sa administration slate na Alyansa noong panahon ng kampanya ay expected namang sa mayorya siya susuporta.
Facebook Comments









