
Aabot sa P89.5 million ang assets at networth ni Senator Sherwin Gatchalian.
Batay ito sa isinapubliko niyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) as of December 31, 2024.
Kabilang sa mga ari-arian ni Gatchalian ang dalawang residential condominium at mga personal properties tulad ng cash, shares ng stocks, at sasakyan.
Wala namang idineklarang liabilities o utang ang senador.
Samantala, higit isang bilyong piso o P1.05 billion naman ang joint SALN ni Senator Raffy Tulfo at kanyang asawang si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo.
Ang combined networth ng magasawa ay aabot ng P376 million na siyam na real estate properties at P280 million na halaga ng mga sasakyan at bank accounts.
Facebook Comments










