Huling transmission lines na naibalik sa normal na operasyon kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines ay ang Naga- Libmanan 69kv Transmission lines.
Ang power lines ang siyang nagsusupply ng kuryente sa Camarines Sur Electric company 1 o CASURECO 1.
Gayundin ang Naga-Tinambac transmission lines.
Ayon sa NGCP, nagawa nila na maibalik ng mas maaga sa itinakdang schedule ang supply ng kuryente sa mga lugar na kanilang siniserbisyuhan.
Sa ngayon ay may 500 linemen ang nagtatrabaho ng 24/7 sa mga rough at flooded terain maibalik lang ang supply ng kuryente sa komunidad.
Gayunman, nananatili pa ring bagsak ang ilang transmission lines sa South Luzon kabilang ang Daraga-Sorsogon trnasmission lines, Naga-Iriga tranmission lines, Daraga-Sto. Domingo,D araga-Legaspi, Sorsogon-Bulan at Daraga-Ligao Transmission lines.
Sa bahagi ng Visayas, partially restored na rin ang Calbayog-Palanas CaraCatarman-Allen-Lao transmission lines.
Bukod dito, mayroon pang 9 na 230 kv line ang hindi pa rin naaayos na nakakaapekto sa transmission services sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Ginagawa na ngayon ng mga line crews ng NGCP ang aerial at ground patrol para makita at ma-assess ang pinsala sa kanilang pasilidad.