
Hati ang opinyon ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pagka-delay ng impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng RMN Manila kina Allan Astro at Victoria Morales, dapat daw ay hindi na magpatumpik-tumpik pa at tuluyan nang umpisahan ang proseso ng impeachment ng bise presidente.
Huwag na raw paabutin pa sa 20th Congress dahil nasasayang lamang ang mga araw na dapat ay hinaharap na nito ang kaniyang kinasasangkutang isyu.
Sa panig naman ni Jesser Ragasa, sinabi nitong sundin ang due process, hindi naman basta-basta ang ganyang uri ng paglilitis.
Bakit aniya minamadali ang mga bagay na dapat idinaraan din sa tamang proseso.
Una nang sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi puwedeng madaliin ang impeachment trial dahil utos ng Konstitusyon ang pagbibigay ng due process at dapat rin umanong igalang ang karapatan ng bawat panig.









