Ilan sa mga bagong recruits ng human traffickers, itinatago sa safehouse

Ibinunyag g Bureau of Immigration (BI) ang bagong modus operandi ng human traffickers at illegal recruiters sa kanilang mga recruit na pinapadala sa abroad.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, tinatago muna ng sindikato sa isang safehouse ang kanilang mga recruit para sanayin bago ipadala sa ibang bansa.

Ikinanta aniya ito sa kanila ng dalawang menor de edad na babaeng naharang ng immigration officers sa NAIA.


Batay sa pagtatanong ng BI, ang dalawang biktima ng illegal recruiters ay itinago muna ng sindikato sa isang safehouse sa Paco, Maynila bago sila ipina-book para sa kanilang flights.

Sila ay tinangka ng recruiters na ipadala sa Saudi Arabia via Dubai.

Pinag-iingat naman ng BI ang publiko sa mga kahalintulad na modus.

Facebook Comments