Ilan sa mga deboto, halo-halo ang emosyon matapos masaksihan ang pagpasok ng Poong Nazareno sa Quiapo Church

Magkakaibang emosyon ang naramdaman ng ilan sa mga deboto ng Poong Nazareno matapos masaksihan ang pagpasok ng andas nito sa Quiapo Church.

Matapos ang halos 30-oras na Traslacion, tuluyan nang nakarating sa kanyang tahanan ang andas ng Poong Nazareno.

Ayon kina Truly Fabiano, 17 taong deboto ng Poong Nazareno at taga-Boracay, at Randel Racelis, nakakaiyak at sobrang saya umano ng kanilang naramdaman nang masaksihan ang pagpasok ng andas sa naturang simbahan.

Kahit na matagal ang paghihintay, sinabi ng mga deboto na “worth it” umano ang kanilang pag-aantay upang masilayan ang Black Nazarene.

INSERT VIDEO CLIP – deboto

Sa ngayon, nakaabang pa rin ang ilan sa mga debotong hindi na nakapasok sa loob ng Quiapo Church upang manalangin at magpasalamat sa panibagong taon na ipinagkaloob ng Hesus, na isa sa kanilang debosyon at panata.

Nanatiling nakabantay ang Philippine National Police sa paligid ng simbahan upang matiyak ang seguridad ng publiko hanggang sa tuluyang matapos ang mga misa para sa Poong Nazareno.

Facebook Comments