Ilan sa mga ebidensiyang narekober ng SOCO-MPD, kumpirmadong kay Atio ayon sa mga magulang niya

Manila, Philippines – Kinumpirma ng mga magulang ni Horacio Atio Castillo III na sa kanilang anak ang ilang mga gamit na nakuha ng SOCO-MPD sa crime scene sa Aegis Juris Library sa Laon Laan, Sampalok, Manila.

Ayon kina Carmina at Jun Castillo, hindi sila pwedeng magkakamali na ang ilang gamit ay kay Atio.

Pero hindi muna sila nagbigay ng pahayag sa media kung anong gamit ang kumpirmadong sa kanilang anak upang hindi mabulilyaso ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.


Una nang nagbigay ng pahayag si MPD Spokesman Erwin Margarejo na walang weather condition na maaring makasira sa forensic evidence dahil nakapreserba ito ng mayroong sampung araw.

Giit ni Margarejo, hindi muna nila ihahayag sa publiko kung ano ang naturang ebidensiya na kinumpirma ng mga magulang ni Atio habang nagpapatuloy pa ang kanilang pagkalap ng iba pang mga ebidensiya sa krimen.

Facebook Comments