Ilan sa mga kasamahan ni Rappler CEO Maria Ressa, naghain ng not gulity plea sa Pasig RTC

Naghain ng not guilty ang limang board member na kasamang nakasuhan ni CEO Rappler Maria Ressa ng paglabag sa anti-dummy law sa kanilang naging arraignment kanina sa Pasig Regional Trial Court.

 

Ilan sa kanila ay sina Rappler managing editor na si Glenda Gloria, mga board members na sina Manuel Ayala, Felicia Atienza, Nico Jose Nolledo, at James Velasquez.

 

Hindi naman nakadalo sa nasabing arraignment ang isa pang board member na si James Bitanga na nasa ibang bansa tulad ni Ressa na nasa New York City sa Amerika para dumalo sa isang speaking engagement.


 

Itnakda naman sa May 2, araw ng huwebes ang arraignment ni Ressa habang inaayos pa sa ngayon ang schedule para kay Bitanga.

 

Nag-ugat ang nasabing kaso sa pag- issue ng Rappler ng Philippine Depository Receipts sa Omidyar Network Fund kung saan muli din iginiit ng pamunuan ng rappler na 100 percent filipino owned ang kanilang kumpaniya.

Facebook Comments