Cauayan City, Isabela- Isa sa mga dapat tignan ng mga botante ngayong barangay at SK Eleksiyon ay ang pagkakaroon ng BADACs member ng barangay.
Ito ang ibinahagi ni DILG USEC Martin Diṅo sa Programang Straight to the Point ng Rmn Cauayan kaninang umaga.
Batay sa kanyang mga pahayag, tignan umano ng mabuti ang mga ibobotong opisytal at dapat ito ay matino, mahusay, maasahan, matapang at may malasakit.
Huwag din umanong iboto ang mga lasenggong tatakbong kapitan, sugarol at magnanakaw sa kaban ng barangay.
Bukod dito, Nalulungkot umano siya dahil sa pagpapabaya ng ilang mga opisyal ng mga barangay dahil sa wala umano silang programa kontra iligal na droga at kriminalidad kaya’t lalong lumala ang sitwasyon ng droga sa mga barangay.
Aniya, Titignan na umano niya ang mga opisyal ng barangay lalo na ang mga BADACs member kung sila ay nagtratrabaho at kung ginagampanan ang kanilang mga responsibilidad.
Binalaan din ni USEC Diṅo ang mga pulis na gumagamit sa kanilang posisyon upang magharas sa mga botante na kumampi sa mga magnanakaw na opisyal.
Ayon pa kay USEC Diṅo, magtulong tulong na lamang umano upang malinis ang problema hinggil sa pang aabuso ng ilang mga opisyal.
Kung makikipagkaisa umano ang mga taumbayan ay maaari umanong magkaroon ng pagbabago, at aniya, kinabukasan ng mga anak ang nakasasalay dito.