Ilan sa mga pumila sa huling araw ng National Vaccination Day sa Tondo Hospital, napilitan lang magpabakuna dahil sa maling paniniwala sa mga bakuna kontra COVID-19

Dumagsa at pinilahan ang huling araw ng 3-day National Vaccination Day sa Tondo, Hospital.

Halos ang iba sa kanila ay nasa labas na nakapila at hindi rin naipatutupad ang social distancing.

Binabakunahan sa Tondo Hospital ang ilang mga nasa A1 hanggang A5 categories, mga batang edad 12 hanggang 17 anyos at mga magpapa-booster shot.


Tumatanggap din sila ng walk-in kahit mga taga-ibang lugar.

Ang ilan naman sa mga humabol upang magpabakuna ay napilitan lang dahil kailangan nilang magpabakuna.

Kung sila anila ang masusunod ay hindi sila magpapabakuna dahil sa mga negatibong balita kaugnay sa COVID-19 vaccine.

Ang Tondo Hospital ay isa sa 75 vaccination site na itinalaga ng pamahalaang lungsod para sa 3-day National Vaccination Day kontra COVID-19.

Facebook Comments