ILAN SA MGA RESIDENTE SA ISLAND BARANGAYS SA DAGUPAN CITY, NANANATILI PA RIN SA MGA EVACUATION CENTERS DAHIL PA RIN SA BAGYONG EGAY

Dahil sa lakas at pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa lungsod ng Dagupan, nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang ilan sa mga residente sa island barangays bilang pagsisiguro na sila ay hindi mapapahamak kahit pa wala na sa loob ng Philippine area of responsibility ang bagyo.
Nasa pitumpu’t walong indibidwal ang nasa evacuation center sa Barangay Carael habang mula apatnaput walong indibidwal ay nasa dalawampu’t walong mga indibidwal na lamang ang nasa evacuation center ng Barangay Calmay kung saan agarang pinuntahan din ng mga volunteers mula sa Red Cross upang makapagbahagi sa kanila ng pagkain at pangangailangan.
Ayon kay Mary Gold De Leon, Chapter Service Representative ng Internal Affairs office, patuloy naman umano ang pagsama nila sa pagmomonitor sa ibat ibang lugar sa lungsod lalo na sa mga mayroon pa ring existing evacuees para mahatiran ng agarang tulong habang inaantay ang pagdating ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Samantala, nag-umpisa ng nagpamahagi ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City ng mga relief goods bago pa lamang nagsimula ang pananalasa ng bagyong egay at maging sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagtingin sa mga evacuation centers para hatiran pa ang mga iba pang evacuees na hindi pa nakakatanggap ng kanilang relief goods. |ifmnews
Facebook Comments