Ilan sa mga sumukong suspek sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, aktibo pa rin sa serbisyo ayon sa PNP

Nanatiling aktibo sa serbisyo ang ilan sa siyam na sumukong pulis sa Philippine National Police Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, tanging apat sa siyam na mga sumukong pulis ang tinanggal sa serbisyo noong November 2021 matapos aprubahan ng PNP chief noon ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service na sibakin na sila sa serbisyo.

Ang mga sinibak na ito ay sina Lt. Col. Harry Villar Sucayre, Major Shyrille Co Tan, PSSgt. Edsel Tan Omega at PSSgt. Neil Matarum Cebu.


Ayon pa kay PNP chief, ang mga pulis na akusado na kasalukuyang nasa active service ay isasailalim sa Leave of Absence Without Pay status habang nakakulong at naghihintay ng desisyon ng korte sa kaso.

Tiniyak ni PNP chief na 100% ang kanilang gagawing pakikipagtulungan para managot ang dapat managot sa nangyaring pagpatay.

Ang mga pulis na sumuko ay nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.

Facebook Comments