Ilan sa naitulong ng VFA sa bansa, inilahad ng isang Senador

Sa kanyang twitter post ay binigyang diin ni Senator Panfilo Ping Lacson ang ilan sa mga naging pakinabang ng bansa partikular ng ating sandatahang lakas sa Visitang Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Pangunahing tinukoy ni Lacson ang technical assitance ng amerika sa ating mga operatiba na naging daan sa pagkapatay sa intenational terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas marwan.

Giit pa ni Lacson, malaki ang papel ng VFA sa pagpapataas ng kakayahan ng ating mga sundalo.


Ayon kay Lacson ito ay dahil sa mga kagamitan at military training na ipinagkakaloob ng Amerika sa pamamagitan ng VFA sa Armed Forces of the Philippines.

Mensahe ito ni Lacson kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang VFA kapag hindi inayos US government ang kinanselang visa ni Senator ronald bato Dela Rosa.

Nauna ng sinabi ni Lacson na hindi dapat madamay ang VFA sa isyu ng pagkansela sa US visa ni Dela Rosa.

Apela naman ni Senator Kiko Pangilinan sa malakanyang, sa halip na tutukan ang kaselasyon ng US visa ni Dela Rosa, ay makabubuting mas asikasuhin ng pamahalaan lang ang kapakanan ng mga biktima ng pag-sabog ng Bulkang Taal at ang banta ng Coronavirus outbreak.

Facebook Comments