
Nagpapatuloy ngayon ang ikatlong pagdinig ng House Tri Committee ukol sa pagkalat ng fake news at maling mga impormasyon gamit ang social media.
Present na ngayon ang ilan sa mga ipinatawag na social media personalities na binantaan ng Tri Committee na ipapa-contempt makaraang hindi sumapot sa mga naunang hearing.
Kinabibilangan ito nina dating Communications Secretary Trixie Cruz-Angeles, Elizabeth Joie Cruz, Dr. Ethel Pineda Garcia, Krizette Laureta Chu, Mark Anthony Lopez, Mary Jean Quiambao Reyes, Richard Tesoro Mata.
Nais naman ni Sass Rogando Sasot na makilahok sa pagdinig via Zoom pero hindi siya pinayagan ng namumuno sa pagdinig ngayon na si Surigao del Sur Representative Johny pimentel dahil eksklusibo lang aniya sa mga kongresistang miyembro ng komite ang Zoom link.
Sa kanyang mensahe sa pagdinig, sinabi ni Mary Jane Reyes na good governance ang kanyang isinusulong at hindi sya kampi kahit kaninong politiko.
Sabi naman ni Ethel Garcia, mayroon siya o silang kalayaan sa pagpapahayag at pabibigay ng opinyon.
Para naman kay Dr., Richard Mata, sapat na ang cybercrime prevention law at bahala ang mga mambabatas kung kailangan itong amyendahan para maging epektibo laban sa fake news at misinformation.