
Inamin ni Senate President Tito Sotto III na posibleng may ikunsidera sa mga testigo ng maanomalyang flood control projects na sumailalim sa witness protection program (WPP) at mayroon ding hindi.
Ito aniya ang natalakay matapos magpulong kahapon kasama si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ayon kay Sotto, napasadahan nila sa pulong ang hiling ng mga resource person na WPP kung saan mayroong ikukunsidera at mayroon ding hindi isasama.
Gayunman, hindi naman tinukoy ni Sotto kung sino kina dating Assistant District Engineer Brice Hernandez, mag-asawang contractor na Discaya, at kontratistang si Sally Santos ang isasailalim sa WPP ng Department of Justice (DOJ).
Bukod dito ay pinag-usapan din nila sa pulong ang tungkol sa mga magiging plano sa mga susunod pang pagdinig kabilang ang konsultasyon sa mga witnesses, resource persons, at mga na-contempt.









