Kinumpirma ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na sina Natividad at Rosalindo Salon na matagal na silang stranded sa Kuala Lumpur bago sila nakauwi ng Pilipinas.
Anila, sila ay mula pa sa Sarawak at naghintay ng flight sa Kuala Lumpur sa harap ng travel ban kung saan kanselado ang commercial flights sa mga bansang may mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Ang naturang OFWs ay kabilang sa 178 na Overseas Filipinos na kasama sa chartered flight na dumating sa bansa.
Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pilipino sa nasabing bansa.
Aniya, bukas sila sa sinumang nais sumabay sa susunod na repatriation flights.
Facebook Comments