Umarangda na kaninang umaga ang plebisito sa ratipikasyon ng Republic Act 11259 na maghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.
Sa ganap na alas-7:00 ng umaga, nagbukas na ang 2,959 cluster precincts sa 487 voting centers sa 23 munisipalidad sa Palawan.
Pero bago ito, ilang aberya ang naitala matapos na magkaroon ng delay sa pagdating mga ballot boxes at election paraphernalias sa ilang lugar katulad sa Andres Soriano Elementary School sa bayan ng Roxas.
Ayon sa Commission on Elections, nasa 490,639 registered Palaweño ang boboto kung pabor ba sila o hindi na hahatiin ang kanilang probinsya sa Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.
Hindi naman kasama ang Puerto Princesa sa plebisito dahil isa na itong highly urbanized city.
Nabatid na ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang COMELEC ng botohan ngayong nakakaranas ang bansa ng pandemya.