Ilang aberya sa halalan, Naranasan sa Cagayan!

Tuguegarao City, Cagayan – Nakaranas ng ilang aberya sa halalan ang Lalawigan ng Cagayan sa katatapos na 2019 Midterm Elections.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Manuel Castillo Jr., Provincial Election Supervisor (PES) ng Cagayan sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, naging problema ang transmisyon ng mga balota dahil sa malalayong bayan na sakop ng lalawigan.


Nagkaroon rin ng aberya sa mga hindi nagamit na SD Card at naging problema sa mga Vote Counting Machine (VCM).

Dagdag naman ni Atty. Castillo na walang naitalang mabibigat na insidente sa nasabing lalawigan.

Nagpasalamat naman si Atty. Castillo sa mga mamamayan ng Cagayan dahil sa ipinakita nilang pagkikiisa at suporta kaya naging matagumpay at tahimik ang buong lalawigan.

Facebook Comments