Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagdating sa Pilipinas ng ilang Afghan refugees kabilang na ang ilang babae at bata.
Batay sa Twitter post ni Locsin, sinabi nito na bukas ang Pilipinas na tumanggap ng refugees na apektado ng kaguluhan doon.
Pinasalamatan naman ni Locsin ang magkapatid na sina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Paul Dominguez, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vince Dizon at sa Department of Justice (DOJ) sa pagtulong sa usapin ng refugees.
Giit ni Locsin, sa ngayon ay wala pa silang maibibigay na impormasyon ukol sa mga refugee para na rin sa kanilang kaligtasan at privacy.
Una nang tiniyak ni Locsin na walang ibibigay na “asylum” para sa Afghanistan refugees maliban na lamang kung may “government-to-government” na kasunduan.