Ilang agri-groups, nagsampa ng reklamo sa Ombudsman laban sa Tariff Commission dahil sa EO 62

Nagsampa ng reklamong grave misconduct at gross abuse of authority ang iba’t ibang agri-groups sa tanggapan ng Ombudsman laban sa Tariff Commission.

Ito’y dahil sa ipinatupad na Executive Order No. 2 o pagbabawas ng taripa ng hanggang 15 percent sa mga imported na bigas na paglabag umano sa limitasyon at kondisyon sa ilalim ng Republic Act (RA) 10863 o Modernizing the Customs and Tariff Administration.

Ayon kay Rosendo So, pinuno ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, sa kanilang monitoring, mula nang ipatupad ang EO, ay walang naramdamang pagbaba sa presyo ng bigas at hindi pa rin makita sa mga palengke ang 29 pesos o 45 hanggang 49 pesos na kada kilo ng bigas na layon ng programa.


Paliwanag pa ng grupo, ang tariff reduction sa agri-products ay nauwi lang sa mas maraming importasyon at hindi nakatulong sa anumang agricultural development.

Facebook Comments