Dinagdagan ng Senado ng pondo ang marami sa mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng 2023 General Appropriations Bill (GAB).
Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, ilan sa mga kagawaran na dinagdagan ng pondo ng Mataas na Kapulungan ang Department of Justice, Department of National Defense, Department of Education, Department of Foreign Affairs, Department of Health at Judiciary.
Kabilang din sa mga dinagdagan ng budget ang mga bagong batas tulad ng “Doktor sa Bayan Act”, scholarship sa mga State Universities and Colleges (SUCs), at calamity fund.
Ang calamity fund na nasa P31 billion mula sa dating P16 billion ay posibleng maitaas pa ang pondo depende sa mga magiging mungkahi ng mga eksperto.
Maliban dito ay nakakalat din sa buong 2023 national budget ang alokasyon para sa financial assistance para sa iba’t ibang social programs ng pamahalaan na tinatayang nasa mahigit P200 billion.
Tiniyak ng senador na sa susunod na taon ay may tulong na maaasahan ang ating mga kababayang hindi pa nakababangon mula sa epekto ng pandemya at mga sakuna.