MANILA – Todo na ang paghahanda nang ilang ahensya ng gobyerno, kasabay nang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan.Ang Department of Health ay panay na ang pagpapa-alala sa publiko na mag-ingat sa mga posibleng sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan, partikular na ang Dengue virus.Ayon kay Outgoing Health Sec. Janet Garin, kasabay ng pagbubukas ng klase, magbibigay din sila ng bakuha kontra Dengue sa mga mahihirap na estudyante sa Region 7.Maglalagay na din ang DOH ng Rapid Testing kit sa mga health center para sa agarang pagresponde sa mga magpopositibo sa dengue.Marso nitong taon nang mahigit 1 milyong bata na nag-aaral sa mga eskuwelahan sa National Capital Region, Region 3 at Region 4-a nang unang bigyan ng DOH ng libreng dengue vaccine ang mga batang nasa siyam na taong gulang.Samantala, maging ang Dept. of Public Works and Highways ay minamadali na rin ang pag-aayos ng mga flood control projects sa Metro Manila.Sa interview ng RMN kay DPWH-NCR Dir. Melvin Navarro, partikular nilang minamadali ang ginagawang flood interceptor project sa Blumentritt sa Maynila na inaasahang matatapos sa June 30.
Ilang Ahensya Ng Gobyerno – Nag-Umpisa Nang Maghanda Kasabay Ng Pagsisimula Ng Panahon Ng Tag-Ulan
Facebook Comments