Inatasan ng Supreme Court ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magkomento sa petisyon ng transport groups.
Partikular ang petisyon na humaharang sa modernisasyon ng public utility vehicle (PUV).
Kasunod ito ng pinalabas na December 31 deadline ng pamahalaan para sa mandatory franchise consolidation ng mga pampasaherong jeepney sa pamamagitan ng pagpasok sa kooperatiba.
Matatandaan, inihayag ng grupong Manibela na maaaring mawalan ng hanapbuhay ang aabot sa 300,000 mga tsuper at operator sa kanilang hanay lamang kung hindi makakasunod sa nasabing kautusan ng pamahalaan.
Binigyang diin ng grupo na hindi naman sila tutol sa modernisasyon pero ang pagtulak ng pamahalaan sa mga ipamamalit sa kanilang tradisyunal na jeepney ay hindi nila kakayanin na aabot sa mahigit ₱2 milyon.