Ilang ahensya ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, may mga bagong sasakyan

133

Pormal nang ibinigay ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang apat na service vehicles at limang hybrid multi-cabs sa ilang frontline offices nito.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), City Health Office at Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.


Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, layunin nito na mas mapabuti pa ang pagbibigay ng public services sa mga mamamayan nito, lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nangako naman ang alkalde na patuloy nitong papalakasin ang mga frontline offices ng pamahalaang lungsod bilang supporta nito sa nasyonal na pamahalaan para sa COVID-19 response.

Facebook Comments