Ilang Ahensya sa Lungsod ng Cauayan, Makikiisa sa Nationwide Earthquake Drill Ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela-* Makikiisa ngayong araw sa isinasagawang Nationwide Earthquake drill ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan dito sa Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Layunin nito na makita ang kakayahan ng mga empleyado ng iba’t-ibang ahensya kung paano rumesponde sa anumang kalamidad o sakuna gaya ng lindol.

Layon din nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kawani upang mas lalong mapaghandaan ang pinangangambahang lindol.


Makikiisa rin sa earthquake drill ang mga empleyado ng SM City Cauayan na mag-uumpisa mamayang alas dos ng hapon.

Facebook Comments