Ilang airline companies, nag-anunsyo na walang flight cancellations kasabay ng airspace shutdown bukas, Mayo 17

Nilinaw ng ilang airline company na walang flight cancellation sa isasagawang airspace shutdown bukas, Mayo 17 para sa maintenance ng uninterrupted power supply or UPS ng air traffic management system ng bansa.

Isasara kasi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang airspace ng bansa mula alas-2:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng umaga bukas.

Ayon kay Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villaluna, ang flights paalis mula Manila sa kasagsagan ng airspace shutdown ay papayagang mag-take off at mag-landing gamit ang isa sa dalawang runways sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Sinabi naman ng Cebu Pacific na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga flight schedules at walang adjustments o ipapatupad na kanselasyon.

Samantala, tiniyak din nito na ipapatupad ang contingency measures para makatulong na mabawasan ang disruption sa air traffic operations.

Facebook Comments