Ilang airport police ginawaran ng pagkilala ng pamunuan ng MIAA

Binigyang pagkilala ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang 3 teams ng police officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa ginawaran ng pagkilala ni MIAA General Manager Ed Monreal ang team nila Airport Police Officer 1 Jerico Kim Patriarca, APO1 Joey Barlaan, APO1 Edzel Biag, APO2 Jerrold Demegillo, APO2 Ada Marie T. Campos, APO1 Elino R. Potracion at APO1 Gerber B. Argales.

Ang mga ito ang nakahuli sa notorious na swindler sa NAIA noong November 14.


Nabatid na modus ng suspek na si Juvy Zamora na kunin ang loob ng mga bagong dating na OFW at kabilang nga dito ang isang OFW na natangayan nito ng 10,000 HK dollars, four mobile phones, jewelry, passport at ibang mahahalagang dokumento.

Isa pa sa binigyang parangal ang team nila APO1 Geoffrey John Camarauan at APO1 Saeed Qassim Abdul Karim Lopez,

Ang mga ito ang tumulong sa isang pasahero na muling marekober ang kanyang clutch bag na naglalaman ng P250,000 cash at passport mula sa isang myembro ng salisi gang.

Habang ang team naman nila APO2 Diomedes Roca III, APO2 Ismael Bilal Rivera, APO1 John Bernard Mendeja, APO1 Mark Leonard Arcilla at APO1 Dyron Candido ay binigyang parangal bunsod ng pagkakahuli sa isang magnanakaw na taxi driver.

Facebook Comments