ILANG ALAGANG HAYOP SA DAGUPAN CITY, TINATAMAAN NG SAKIT DAHIL SA MALAMIG NA PANAHON

Hindi pinalampas ng iba’t ibang respiratory tract infections ang pagtama sa mga alagang hayop ngayong nararanasan ang malamig na panahon.

Partikular sa mga ito ang alagang aso at pusa kung saan umaabot sa tatlo hanggang sampu ang dinadala sa City Veterinary Office ng Dagupan, araw-araw upang ipatingin o ipakonsulta.

Ayon pa sa tanggapan, 30-40% sa mga ito ay namamatay.

Anila, kadalasan talagang tumataas ang kaso ng respiratory diseases sa mga hayop tulad sa mga tao ngayong malamig na panahon.

Dahil dito, nagpaalala ang tanggapan na kung sakaling makaranas ng sakit ang kanilang mga alaga ay dalhin ito agad sa kanilang opisina kung saan libre ang check-up maging ang gamot.

Inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng maitatalang nagkakasakit dahil hindi pa nararanasan ang peak ng tag lamig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments