Pinag-iingat ng ilang alkalde sa Metro Manila ang publiko sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng pamimigay ng hindi rehistradong Ivermectin ng dalawang mambabatas sa Quezon City na nireseta lang sa kapirasong papel.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, hindi pa sapat ang mga patunay para masabing epektibo ito sa pagpuksa ng COVID.
Giit naman ni Taguig Mayor Lino Cayetano, hindi rin ine-endorso ng kanilang lungsod ang paggamit ng Ivermectin laban sa Coronavirus.
Tatalima lang aniya sila kung ano irerekomenda ng mga eksperto.
Facebook Comments