Ilang alkalde sa Metro Manila, nag-aalangan sa ipapatupad ng panuntunan kasabay ng pagbaba sa ALert Level 3 ng buong Metro Manila

Nag-aalangan ang ilang alkalde sa Metro Manila sa ipapatupad ng panuntunan sa oras na ibaba na sa ALert Level 3 ang buong Metro Manila simula bukas, October 16 hanggang 31.

Nabatid na sa ilalim ng Alert Level 3, mas marami nang pasyalan at lugar ang papayagang magbukas.

Pero bagama’t papayagan na ang Interzonal at Intrazonal travel para sa lahat, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakadepende pa rin ito sa ipapatupad na alituntunin ng mga Local Government Units (LGUs).


Hindi pa ito napag-uusapan ng Metro Manila Council (MMC).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, kinokonsulta muna nila ang mga eksperto bago sila magpalabas ng guidelines.

Habang pinag-aaralan din ito ng Marikina, Parañaque at San Juan para matiyak ang kaligtasan ng mga papayagang lumabas ng bahay at maiwasang mahawa sa COVID-19.

Para naman sa Makati at Navotas, susunod lang sila sa guidelines ng IATF na magsasabing pinapayagan nang lumabas ang mga bata.

Sa ngayon, wala pang tugon dito ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Facebook Comments