Ilang alkalde sa Metro Manila, nakakuha ng mataas na satisfaction rating sa pagtugon COVID-19 pandemic

Kuntento ang karamihan sa mga taga-Metro Manila sa naging pagtugon ng kanilang alkalde sa COVID-19 pandemic.

Batay sa survey ng RLR Research and Analysis Incorporated, nakakuha si Pasig City Mayor Vico Sotto ng 97 percent na satisfaction rating.

Sinundan ito ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na may 95 percent at Pateros Mayor Ike Ponce na may 94 percent.


Kapwa nakakuna naman sina Manila City Mayor Isko Moreno at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ng 92 percent satisfaction rating habang si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ay mayroong 90.

Pinakababa naman ang nakuhang satisfaction rating ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar na mayroong 46 percent.

Isinagawa ang survey sa mga residente ng bawat lungsod at munisipalidad na may positive negative (+/-) 2.7 percent margin error.

Facebook Comments