Balik na sa dating pwesto ang mga apektadong manlalako sa nasunog na pampublikong pamilihan sa Basista matapos ang ilang buwang relocation sa mga ito.
Ngayong Hulyo, naging puspusan ang paglilinis ng lokal na pamahalaan sa nasunog na palengke upang makabalik na ang mga manlalako kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal.
Kabilang sa mga nakabalik ay ang seksyon ng gulay, dry fish, kakanin, prutas, food cart at dry goods habang patuloy pang inaayos ang pwesto ng mga hilera ng karinderya, sari-sari store, karne at isda.
Giit ng lokal na pamahalaan, hindi muna makakabalik ang lahat ng mga dating nagtitinda dahil mayroon na umanong nangupahan na iba o di kaya ay pansamantalang tumigil sa pagtitinda.
Tiniyak naman ang sapat na espasyo para sa lahat ng manlalako sa pinaplanong itayo na dalawang palapag na pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









