Ilang Apektadong Pamilya sa Cagayan dahil sa ‘Bagyong Ramon, Nakabalik na sa kanilang tahanan

*Cauayan City, Isabela*- Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang ilang pamilya na nanatili sa ilang mga evacuation center sa probinsya ng Cagayan matapos ang pinsalang dulot ni Bagyong Ramon.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nananatili pa rin sa mga evacuation center ang ilang pamilya mula sa Bayan ng Piat, Rizal at Baggao at posibleng bukas ng umaga ay makauwi na rin ang mga ito sa kanilang mga kabahayan.

Dagdag pa ng Gobernador na hindi pa rin madaanan ang ilang overflowbridges sa Bayan ng Tuao at Pinacanauan River sa Lungsod ng Tuguegarao dahil sa mataas na lebel ng tubig.


Samantala, nananatili naman na stranded sa mga pantalan gaya ng Port Appari at Claveria ang 38 katao dahil sa pinsala ng Bagyong Ramon sa lalawigan.

Kaugnay nito, nasa mahigit tatlong libong pamilya o katumbas ng mahigit sa siyam na libong katao ang apektado pa rin dulot ng bagyo dahil sa pinsala nito sa sektor ng agrikultura at imprastratura.

Sa ngayon ay patuloy pa rin inaalam ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang kabuuang pinsala na dulot ni Bagyong Ramon.

PhotoCourtesy : Gerry Dante Andam

Facebook Comments