
Pinaigting ng Commission on Elections (Comelec) ang kampanya para ipaalam sa publiko ang online voting sa nalalapit na midterm elections.
Ngayong araw, naglabas ang Comelec ng apat na minutong infomercial na nagpapaalala sa enrollment para sa online voting na tatagal hanggang sa May 07.
Layon nitong dumami pa ang mga botanteng Pilipino abroad na makikibahagi sa online voting.
Kayang makaboto ng mga Overseas Filipino sa pamamagitan ng kanilang cellphone o laptop basta’t may valid ID gaya ng passport.
Samantala, aarangkada ang online voting mula April 13 hanggang May 12 na mismong araw ng halalan dito sa Pilipinas.
Hanggang kaninang umaga, pumalo na sa 17,323 ang bilang ng overseas voters na nag-enroll para bumoto online.
Facebook Comments