Ilang araw na extension sa operasyon ng LRT at MRT, makabubuting ipatupad sa buong taon

Binigyang-diin ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña na malaking tulong sa mga pasahero ng train ang ipinatupad na extension sa operasyon ng Light Rail Transit o LRT-1 at 2, at Metro Rail Transit o MRT -3 mula December 16 hanggang 23.

Bunsod nito ay hinihiling ni Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na ipatupad sa buong taon ang hanggang disoras ng gabi na byahe ng mga tren sa LRT-1 at 2, at MRT-3.

Umaapela si Cendaña kay DOTr Sec. Jaime Bautista na pagbigyan ang kanyang mungkahi para sa kapakanan ng mga manggagawa na nagtatrabaho at bumabyahe kahit dis-oras ng gabi tulad ng mga empleyado sa BPO at iba pang night shift workers.


Katwiran pa ni Cendaña, makakatulong din ito na mapagaan ang problema sa napakasikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Paliwanag pa ni Cendaña, maging sa mga kalapit nating bansa ay umaabot na rin hanggang hating gabi ang operasyon ng kanilang train tulad sa Bangkok, Taipei, Kuala Lumpur, Jakarta at Singapore.

Facebook Comments