Ilang araw na hindi pagpapakita ni Pangulong Duterte sa publiko, ikinakabahala ng LP leadership

Manila, Philippines – Nagpahayag na ng pagkabahala si Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan sa apat na araw na hindi pagpapakita sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Pangilinan na tanggap naman natin ang paliwanag ng Malakanyang na nagpapahinga lang ang Pangulo.

Subalit, ipinunto ni Pangilinan, na nakalabahala na ilang araw ng nawawala ang Pangulo kasabay ng mga pangyayari ngayon sa ating bansa.


Giit ni Pangilinan, marapat lamang na malaman ng publiko ang katotohanan.

Ito aniya ay kung may karamdaman si President Duterte na makakahadlang sa kanya para tuparin niya ang kanyang mga tungkulin bilang Commander in Chief.

“Habang tinatanggap natin ang paliwanag ng Malacanang na siya ay pagod lamang at kinailangang magpahinga, ang kanyang apat na araw na pagkawala ay nakakabahala dahil sa mga nangyayari sa bayan.

Kung ang Presidente ay may karamdamang makakahadlang sa kanya para tuparin niya ang kanyang mga tungkulin bilang Commander in Chief at hindi nagpapahinga lamang, nararapat lang na malaman ng publiko ang katotohanan” – Senator Pangilinan.

Facebook Comments