ILANG ARAW PA | Sitwasyon sa NAIA terminal 1, posibleng abutin pa ng ilang araw bago maibalik sa normal

Manila, Philippines – Unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa terminal 2, 3 at 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos na mai-alis na sa runway ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines noong Huwebes ng gabi.

Gayunman, sa press conference kanina, sinabi ni MIAA general Manager Ed Monreal na posibleng abutin pa ng ilang araw bago magbalik-normal ang sitwasyon sa terminal 1.


May mga airlines kasi aniya na nagsagawa ng recovery flight nang walang koordinasyon sa MIAA at ito ay nagresulta ng pressure sa mga gate ng terminal.

Tiniyak naman ni Monreal na tinutugunan nila ang concern ng mga pasahero lalo na ang mga OFW na nangangambang baka mawalan ng trabaho sa pupuntahan nilang mga bansa.

Aniya, sinabihan na niya ang mga airline company na iprayoridad ang mga OFW na binigyan na rin nila ng certification.

Kasabay nito, umapela si Monreal sa mga pasahero na huwag maging agresibo sa halip ay huminahon at makipagtulungan na lang sa mga otoridad.

Facebook Comments