Ilang Armas at Gamit Pampasabog ng mga Rebeldeng Grupo, Narekober sa Isabela

38

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga tauhan ng 95th Infantry Salaknib Battalion, PNP San Mariano, 1st PMFC at 201st RMFC ang ilang kagamitan ng mga miyembro ng rebeldeng grupo na nagkukuta sa bulubunduking bahagi ng Sierra Madre, Blue Heaven, Brgy Disulap, San Mariano, Isabela.

Ito ay makaraang tulungan ng dating mga miyembro ng rebeldeng grupo na sina alyas Dennis at Kanoy ang lugar kung saan itinago ang mga armas na gamit sa pakikipaglaban ng kanilang dating kasamahan.


Ilan sa mga napasakamay ng mga otoridad ang isang (1) M16 riffles na may serial number 9013862; limang (5) Improvised Explosive Device (Hand Grenade type); tatlong (3) rifle magazine(2 long,1 short);dalawang (2) portable power generator; dalawang (2) power inverter; dalawang (2) remote control para sa IED; electrical wires; apat (4) na pulley training purposes; isnag (1) bagpack na may ilang personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Nabatid na ang dalawang (2) portable electric generators ay ginamit ng mga CPP-NPA noong nagdiwang ang mga ito ng anibersaryo ng kanilang samahan.

Facebook Comments